KATUWANG--MAKIKITA dito sina Gensan City Mayor Ronnel Rivera (kanan) at bagong Gensan City PNP Director, PSSUPT Maximo Layugan (kaliwa) sa nakaraang turn-over ceremony sa Camp Fermin Lira, Jr., nitong Lunes lamang. Si Layugan ang pumalit kay outgoing GSCPO Director, PSSUPT Froilan Quidilla kung saan nagsilbi sa loob ng dalawang taon at siyam na buwan. Hinaharap ngayong hamon ni Layugan ang agarang pagresolba sa patuloy na tumataas na extra-judicial killings kung saan humigit kumulang 48 na mula Enero 2015. (GSCPIO/pbanat caption)
BAGONG HEPE NG GENSAN PNP MAY MALAKING HAMON
GENERAL SANTOS CITY---MAY malaking hamon ang
nakaatang sa mga balikat ng kakaupo pa lamang na bagong General Santos City
Police Office Director.
Nitong Lunes lamang, pormal nang umupo si PSSUPT
Maximo Layugan bilang kauna-unahang Gensan City PNP Director sa administrasyon
ni Mayor Ronnel Rivera. Pinalitan ni Layugan si PSSUPT Froilan Quidilla na
napunta ngayon sa lungsod ng Davao City.
Sa pag-upo ni Layugan, samu’t-saring problema ng
Gensan PNP ang kinakaharap nito. Una na rito ang walang habas na extra-judicial
killings sa siyudad na mula pa noong Enero ngayong taon umabot na sa humigit
kumulang apatnapu’t walo (48). Dagdag pa dito ang hindi pa rin nabibigyan ng
kongrektong solusyon ng mga otoridad ang illegal na droga. Ang muling pagsulpot
ng mga illegal numbers game na Last Two, 4-D at iba pa. Parang kabute rin na
nagsulputan ang mga outlets ng illegal na sugal sa siyudad. At ang paghuli ng
loob ng Gensan City Hall upang magkaroon ng todo na suporta ang kapulisan mula
sa lokal na pamahalaan.
Isang bukas na katotohanan ang pagiging overstaying
na City Director ni PSSUPT Quidilla sa siyudad at kahit ang admnistrasyon ni
Mayor Rivera walang nagawa upang mapalitan sa puwesto si Quidilla. Nagkaroon ng
mga di pagkaka-intindihan ang Gensan PNP at LGU dahil na rin sa mga tumataas na
krimen sa siyudad. Kahit ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP)
ibinulalas ang kanilang dismaya sa Gensan PNP dahil hindi nasugpo ang mga
illegal na sabong-sabong sa isang barangay. Nagbabala pa ng kaso si Konsehal Jeng
Gacal kung walang aksyong gagawin ang pamunuan ng GSCPO.
Ang mga nakalipas na City Director gaya ni dating
PSSUPT Cedrick Train ginawang Best City Police Office ang GSCPO. Naging aktibo
rin ang kapulisan sa larangan ng mga civic activities sa panahon ni Train.
Ito ay iilan lamang sa mga problema at hamon na
kailangang mabigyan ng kongkretong solusyon ni bagong Gensan City PNP Director,
PSSUPT Maximo Layugan. Hindi rin matatawaran ang kanyang mga nagawa bilang
dating pinuno ng Regional Public Safety Battalion ng PNP 12. Hindi rin lingid
na ito ay magiting, propesyunal, tapat at matalinong opisyal si PSSUPT Layugan.
Ang agarang pagresolba sa tumataas na bilang ng mga extra judicial killings ay
isang magiging patunay ni Layugan na kaya nitong harapin ang hamon ng mga
taga-General Santos City. (ggorgonio)
*888888888
BBL RECRUITMENT SA SOCOT NAGPAPATULOY?
KORONADAL CITY – Nagpapatuloy di umano ang
recruitment ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga lumad o Indigenous
Peoples (IP's) sa mga bayan sa South Cotabato upang magbalik Islam sa layuning
maisulong ang pagpasa ng Bangsa Moro Basic Law (BBL).
Ito ang ipinaabot na impormasyon ng isang concerned
citizen sa isang lokal na istasyunan ng radyo, partikular na tinukoy nito ang
grupo umano ng mga Muslim na namimigay ng bigas at nagsasagawa ng orientation
sa mg IP's sa Sitio Alon, Barangay San Vicente, Banga, South Cotabato.
Sa panayam kay Brgy. Kapitan Juan Selis, ng Brgy.
San Vicente Banga, aalamin at beberipikahin umano nila ang impormasyon sa
nasabing recruitment na ginagawa ng mga MILF sa mga lumad upang magbalik Islam
kapalit ng bigas sa layuning dumami umano ang kanilang tagasunod sa lalawigan
ng South Cotabato.
May naiulat din na pamimigay ng bigas at pagtipon sa
mga IP's sa mga Sitio ng Barangay Lamhaku, Tboli, South Cotabato. (report mula
sa bomboradyo)
*888888888
30 TRABAHANTE PARA INTERNATIONAL FOLKLORIC FEST
LUNGSOD NG
KORONADAL, South Cotabato-- Tatlumpong
mga trabahante ang
kailangan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Koronadal para tumulong
sa mga gawain kaugnay
sa CIOFF Folkloric Festival sa
Agosto.
Ayon kay Public
Employment Service Office (PESO) Manager Judith
Marmonejo bukas ang trabaho
sa mga out-of-school youth na may edad 18
hanggang 25 taong
gulang.
Hindi maaring
makapagtrabaho sa nasabing
inisyatibo ang mga kasalukuyang nag-aaral dahil kailangang magtrabaho ang mga
ito ng 8 oras
bawat araw tulad ng mga
regular na empleyado. Tatagal
ang kanilang trabaho ng
20 araw.
Tutulong
sila sa paghahanda
at mga gawain na may
kaugnayan sa Pyesta
Kolon Datal at CIOFF International Folkloric
Festival sa Agosto
9 hanggang 18 na pamumunuan ng LGU Koronadal.
Sa
nasabing aktibidad daan-daang
mga performers mula sa
12 bansa ang
darating sa Koronadal
para magtanghal ng kani-kanilang mga katutubong kultura at sining.
Ang mga nasabing
performers ay manggagaling sa mga bansang Armenia, Slovenia, Russia, Sri
Lanka, Mexico, Turkey, Poland, Japan, Indonesia, Chinese Taipei, India, at
Thailand.
Dagdag pa
ni Marmonejo ang pagkuha ng mga trabahante
ay sa pamamagitan ng
Special Program for the
Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment at
lokal na pamahalaan.
Sa mga nagnanais
makapagtrabaho, tumungo sa
tanggapan ng PESO sa New City Hall
Building para sa SPES online
registrations. Magdala ng birth
certificate, report card
o katunayan ng pinakahuling mga grado at 2 x 2 ID na may name tag. (DEDoguiles-PIA 12)
*8888888
AWAY SA LUPA SA NORCOT SOSOLUSYONAN
PRESIDENT ROXAS, North Cotabato--- Bibigyan na ng
solusyon ang matagal nang awayan sa lupa sa pagitan ng mga grupo ng Lumad at
Kristiyano sa Purok 8, Barangay Greenhills dito sa bayan.
Kaugnay nito, bubuuin angTaskforce Greenhills na
siyang tututok sa naturang sigalot.
Ayon kay Pres. Roxas vice- mayor Noel Mallorca,
malaki ang maitutulong ng taskforce para malutas na ang awayan sa mahigit 1,000
ektaryang lupa sa nabanggit na lugar.
Kasali din sa Taskforce Greenhills ang ilang mga
kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), National
Commission on Indigenous People (NCIP), at mga representante mula sa grupo ng
Lumad at Kristiyano.
Nabatid na nakasentro ang isyu sa pag-reclaim ng mga
Lumad sa kanilang lupa mula sa mga Kristyano.
May hawak namang mga dokumento ang ilang mga
Kristiyano na nagpapatunay na nabili at naibenta na ito sa kanila.
Apela naman ni Barangay Greenhills chaiperson Nover
Dela Peña sa mga residente na hintayin na lamang na matapos ang validation na
gagawin ng taskforce para malutas na ang nasabing problema sa lalong madaling
panahon. (/DXVL News/SJDuerme-PIA12)
*88888888
SUPLAY NG KURYENTE SA NORCOT SAPAT
KABACAN, North Cotabato--- "Stable" na ang
kondisyon ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative (COTELCO) sa
kasalukuyan.
Ayon kay COTELCO General Manager Godofredo Homez,
ito ay dahil sa tumaas na ang lebel ng tubig sa Agus-Pulangi at dahil sa
pagkakaroon na rin nila ng remarketing ng three megawatts sa Davao Light.
Ibinalita din ni Homez ang pagpasok ng Therma South
Incorporated (TSI) sa susunod na linggo kung saan ay inaasahang makakukuha ang
kooperatiba ng 5 megawatts.
Kaugnay nito, mababawasan na ang brown-out sa
lalawigan.
Inihayag ng opisyal na kung magkakaroon man ng
brown-out ay internal lamang ang magiging sanhi nito.
Samantala, ipinaliwanag niya na ang nang yaring
black-out sa kanilang service area nitong Linggo ay dahil sa pagkakaroon ng
problema sa 69 KB line ng kooperatiba matapos na sumabit ang sanga ng kahoy
dito at nag short circuit.
Ipinaliwanag din ni Homez na kapag ang 69 KB line ng
COTELCO ang nagkaproblema, ibig sabihin ay apektado ang buong service area
nito. (SJDuerme-PIA12 with MAPispis-DXVL News)
*88888888
MAKI-ALAM SA ISYU SA WEST PH SEA—DFA
COTABATO CITY– Habang inaantabayanan ang pagdinig ng
UNCLOS kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, patuloy ang pagmomonitor ng
Deparment of Foreign Affairs (DFA) sa mga karagatang sakop ng Pilipinas
partikular na sa pinag-aagawang West
Philippine Sea na kasalukuyang pilit inaangkin ng bansang Tsina.
Ang West Philippine Sea ay bahagi ng South China Sea
na nasa bandang kanluran ng Pilipinas na nakapaloob sa tinatawag na exclusive
economic zone ng bansa.
Ito ay kinabibilangan ng Luzon Sea gayundin ang mga
karagatang nakapaloob at nakapalibot sa parteng silangan ng Kalayaan Group of
Islands sa Palawan at Scarborough Shoal sa Zambales.
Ayon kay Office of the Asean Affairs – Political
Security Division Atty. Anwar Ito ng DFA, ang West Philippine Sea ay mahalaga
sa pag-unlad ng ekonomiya, pangkalikasang seguridad, kasapatan ng pagkain ng
bansa at mahalagang tirahan din ng mga isda at iba pang organismong pandagat
dahil ito ay mayaman sa mga coral reefs.
“Ang industriya ng pangingisda ang bumubuo sa 5% ng
ating ekonomiya at mahigit 5 milyong Pilipino ang umaasa rito,” ani Atty. Ito.
Aniya, napatunayan na mayroong bukal ng langis, gas
at iba pang yamang mineral ang Pilipinas lalo na sa bandang Palawan at ang
malaking suplay ng kuryente sa Luzon ay hango naman sa Malampaya – makikinabang
ang bawat Pilipino sa pagpapaunlad ng mga nasabing yaman dahil ito ay
pagmumulan ng sapat na enerhiya sa mababang halaga na makakatulong sa patuloy
na paglago ng ating ekonomiya.
Sinabi ng opisyal, sa kasamaang palad, may mga
bansang nagkakaroon ng di-makatarungang pag-angkin sa ilang bahagi nito katulad
ng 9-dash line, illegal fishing at reclamation ng bansang Tsina.
“Ang 9-dash line ay isang imaginary line na
sinasaklaw ang 90% ng kabuuang lawak ng South China Sea subalit sumasapaw ito
sa ating karapatang pandagat - sumasapaw din ang pag-angking ito ng Tsina sa
exclusive economic zone ng Vietnam, Malaysia at Brunei na walang sapat na
batayan sa anumang batas pagdaigdig at wala ni isang bansa ang kumikilala
rito,” dagdag pa ni Ito.
Sa nagpapatuloy na pag-angking ito, namamagitan
naman ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang
kasunduang nilagdaan ng mahigit 160 na bansa kasama ang Pilipinas at Tsina -
saklaw ng batas na ito ang mga alitan kaugnay sa pag-angkin sa mga karagatang
nasa South China Sea .
Hinikayat naman ng opisyal ang bawat Pilipino na
makialam at makilahok sa usaping ito dahil malaking bahagi ng ating populasyon
at ekonomiya ang umaasa sa ating mga yamang tubig at sa isang banda nakasalalay
ang ating kinabukasan sa matiwasay at mapayapang karagatan ng West Philippine
Sea.(IEroy/PBChangco/PIA Cotabato City)
*88888888888