Monday, November 10, 2008

periodicobanat (nobyembre 11, 2008)

KONTRA BIRD FLU- Si Gensan City Mayor Pedro Acharon, Jr., kuyog ang labaw sa General Santos City Chamber of Commerce and Industry (GSCCCII) president, Jan Ced, Ismael Salih, presidente sa PhilExport ug Ms. Fely Lim sa SOCSARGEN Federation of Fishing and Allied Industries mipirma sa usa ka Memorandum of Understading alang sa pagpakusog sa kampanya pinaagi sa information dissemination alang ngadto sa sakit nga Avian Influenza Virus or mas nailang Bird Flu. (kuha ni poldo bernaldez/pbanat caption) *888888888 SEGURIDAD NG SULTAN KUDARAT, PRAYORIDAD NG PAMUNUAN NI GOV. MANGUDADATU KORONADAL CITY- - Walang pasubaling inaprubahan ni Sultan Kudarat Gov. Datu Suharto “Teng” Mangudadatu, Al Haj ang 2009 Annual Investment Program ng probinsya na kung saan isinama ang malaking bahagi para sa “peace and order” ng probinsya. Kalakip sa susunod na taong badyet ang “Anti-Illegal Drugs Campaign, Peace and Order Pacification Program, pagpapatayo ng opisina ng Bomb Squad at ang suporta para sa Auxiliary Services at Police Aide. Maliwanag ang layunin ng napapanahong aksyon ng goernador na mas lalong maipakilala na ang probinsya ng Sultan Kudarat ay ligtas at mapayapa. Minimintina ng gobernador, bilang tserman, ang regular na pagpupulong ng lahat ng Local Chief Executives at iba pang stakeholders na bumubuo ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) upang mas lalong matalakay ang usaping may kaugnayan sa seguridad ng bawat bayan at mamamayan. “We are taking all the necessary measures to protect and instill the confidence of security of every individual here in Sultan Kudarat, walang katumbas ang pakiramdam ng tayo’y makakatulog ng mahimbing, that peace is in our heart and mind” pahayag ni Gov. Mangudadatu, Al Haj sa personal na panayam ng Periodico Banat. Nauna nang nakabenispisyo ang Sultan Kudarat Provincial Police Office ng makabagong kagamitan at karagdagang pwersa para masuportahan ang kampanya ng pamunuan laban sa terorismo at iba pang kriminalidad. “Wala tayong ibang hangad kundi ang makita na tayo ditto sa Sultan Kudarat ay malayang nakakagalaw at walang anumang takot at pangamba” segunda ni Mayor Ramon Abalos ng bayan ng Lambayong. (pbanat news desk/rey merisco) *88888888888 3 KA WANTED, DAKPAN! Koronadal City - - Sunod sunod nga nadakpan sang katapo sang kapulisan sang Koronadal City ang tatlo ka wanted nga may mga kaso nga estafa kag “attempted murder” Una nga nadakpan ang isa ka Henry Lagas nga may kaso nga stafa nga natugyan sa talatapan ni Hon. Judge Oscar E. Dinopol sang RTC branch 24 sang nasambit nga siudad. May Papel De Aresto numero 7034-24. Wala pa isa ka oras ang nakaligad sang nakorner naman sang mga pulisya ang duha ka susapetsado sang pagpatay nga sanday Leonardo Fantillan kag Liezel Fantillan, nga may warrant of arrest numero 7079-24. Ang nasambit nga kaso yara giyapon sa talatapan sang amo nga hurado. Ang mga nasambit nga mga nadakpan yara karon sa kostudiya sang pulisya sang Koronadal kag ginahulat ang “commitment order” para sa pagbalhin sa South Cotabato Reformation and Rehabilitation Center.(pbanat news desk/gerald agujitas) *888888888 HEADLINER: South Cotabato Highway peligro sa holdap? Negosyante hinarang, pinagbabaril TANTANGAN, SOUTH COTABATO - - Isang sasakyan na canter “fish car” ang hinarang at pinagbabaril ng mga di nakilalang tao sa bayan ng Tantangan sa probinsya ng South Cotabato. Base sa report na nakuha ng Periodico Banat sa kampo ng pulisya sa probinsya ng South Cotabato, alas syete ng umaga habang binabaybay ng isang sasakyan papunta ng syudad ng Heneral Santos para bumili ng panindang isda ang kahabaan ng National Highway ng Tacurong-Koronadal na rota ng napansin ng nagmamaneho na nakilalang si Larry L. Hernandez, 43 taong gulang at residente ng bayan ng M’lang, North Cotabato, na may umaaligid sa kanilang isang motorsiklo at pagdating sa Barangay New Kuyapo bayan ng Tangtangan sapilitan silang pinahinto at pinaulanan ng bala gamit ang .45 na baril dahilan ng pagkasugat ng kanang kamay ng nasabing nagmamaneho. Kaagad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa kaukulang pangangalaga ng mga eksperto. Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang isa itong naunsyaming panghoholdap sa kadahilanang nakasakay dito ang may ari na si Alphabeto Importante na kilalang negosyante sa kanilang bayan. Sa ngayon nasa pangangalaga na ng pulis Tantangan ang nasabing kaso at patuloy na iniimbistigahan para sa matukoy at mahuli ang mga suspetsado. (pbanat news desk/gerald agujitas) *888888888888 “BAWAL ANG TONG-ITS SA BANGA!”- PSI J. LANZADERAS JR. BANGA, SOUTH COTABATO - - “Bawal ang TONG-ITS sa Banga”, Ito ang pinapakitang mensahe ni PSI Juan Lanzaderas Jr, Chief of Police ng bayan ng Banga probinsya ng Timog Kotabato nang kanilang isinagawa ang tatlong magkakasunod na pag-aresto sa mga sugarol. Sandig sa impormasyon na ipinaabot sa pamunuan ni C.O.P Lanzaderas, Jr, buong pwersa ang grupo sa operasyon at kampanya laban sa illegal na sugal. Positbo ang mga otoridad na nagresulkta sa pagkakahuli ng mga manglalaro ng “tong-its” na isa sa mga prayoridad na masawata sa nasambit na bayan. Sa lihitimong operasyon ng Banga PNP tatlong grupo ang agad nahuli sa isang liblib na barangay ng naturang bayan. Nahuli sa akto sina Alicia Estranza, Lirio Estranza, Elvin Solomon, Alfredo Taculod, Romilo Lacandula at Danilo Elipan pawang nakatira sa Purok Daisy Barangay Malaya, Banga Timog Kotabato. Kasunod nito nahuli rin ang isa pang grupo na naglalaro na sina Leony Ampoyas, Elominda Pitipit, Edwin Dipino at Vony Dablio, pawang nakatira sa Purok Cadena de Amor sa nasambit pa rin na barangay. Ang pangatlong grupo na nahuli naman sa Purok Kahirup ay sina Joy Odencio, Romeo Force Jr, Marlyn Perocho at Nestor Binas. Sa kabuuhan, nakakompiska ang mga autoridad ng perang aabot P450.00 na siyang ginamit pamusta ng manunugal, dinala ang lahat na nahuli sa istasyon ng pulisya ng Banga para sa legal na dokumentaryo. (pbanat news desk/gerald agujitas) *8888888888 Kagawad girakrakan, 1 patay! Usa gyud ang nakalas ang kinabuhi human nga girakrakan sa gidudang mga sakop sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) usa ka sakyanan sa usa ka Municipal Councilor sa lungsod sa Aleosan, North Cotabato niadtong milabay nga adlaw. Sa report nga nakuha sa Periodico-Banat, naila ang maong opisyal sa lungsod nga si Konsehal Ungkay nagsakay sa ilang multi-cab ug nagdagan sa Sili-Baliki Road, Brgy. Langayen duol sa panimalay sa usa pod ka konsehal sa lungsod nga si Hamid Piang. Pag-abot sa maong dapit, kalit na lamang nga gipaulanan ug bala ang sakyanan sa konsehal hinungdan sa kamatayon sa usa ka nueve anyos nga bata nga nailang si Norkan Ungkay. Samdan usab sa maong insidente sila si Pahad Ungkay, 16 anyos, Mamala Noh, 19 anyos, Erma Musa, 15 anyos, Longlong Rajak, 10 anyos, Umra Nusa, 9 anyos ug Aida Musa otso anyos. Dali nga gihatod sa Cotabato Regional Hospital ang mga samaron human nga gitambalan sa Cruzado Hospital sa lungsod sa Pikit. Ang inisyal nga imbestigasyon nagtug-an pa nga ang mga gitulong responsable mao ang grupo sa MILF ubos ni Buka Guialel ug usa ka Commander Bravo. Nasayran nga dugay ng adunay bingkil ang pamilyang Ungkay sa maong grupo didto pa sa Dungguan, Aleosan. Hangtod sa pagsulat ning maong balita, padayon pa gihapon ang hot pursuit operations sa Alpha Company sa Regional Mobile Group ug sa RMG 11 human nasuta nga ang mga suspek mipadaulong sa Makasendeng, Pikit, Midsayap. Tungod sa maong insidente gilayon nga mihatag sa iyang pamahayag si South Central Mindanao PNP Chief, PCSUPT Felizardo Serapio, Jr. Matod ni Serapio usa gyud ka paglapas sa tawhanong katungod ang pagpanghasi sa usa ka tawo. “Harassments and atrocities have no place in our region because they interfere with every person’s fundamental right to a safe environment. I have already directed the Chief of Police of Pikit to investigate this incident thoroughly, and hold accountable those who are responsible on harassing the Ungkay Family,” lig-on nga pamahayag ni Serapio nga gipadala nganhi sa Periodico-Banat. (pbanat news desk/jong gorgonio) *8888888888 DR. TERESITA CAMBEL, HINIRANG NA BAGONG PRESIDENTE NG SKPSC Tacurong City- - Buong pusong tinanggap ng primerong-estadong Sultan Kudarat Polytechnic State College (SKPSC) si Dr. Teresita L. Cambel, Ed.D bilang bagong presidente na humalili kay “outgoing president” Dr. Nelson T. Binag, Ph.D. Sa madamdaming seremonya na dinaluhan ng prominenteng mga tao at lideres ng Tacurong City at probinsya ng Sultan Kudarat, tiwalang-tiwala ang eskwelahan na maipagpapatuloy ni Dr. Cambel ang adhikain ng kolehiyo. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng bagong presidente ang “culture of excellence and academic excellence”. Ani Dr. Cambel sa personal na panayam ng Periodico Banat “this is the price of whatever hardships and efforts, as we strive for superiority of education and we will never stop doing what is good and beneficial to uplift the education standards of this college”. Tiwala rin si 1st District Representative, Cong. Sultan Pax S. Mangudadatu, Al Haj na maging ganap nang “state university” ang SKPSC. Ang butihing mambabatas ang siyang “prime mover” upang maisulong ang naturang panukala na nasa second reading na sa senado. Buong kumpyansa rin ang inihayag ni 2nd District Representative Cong. Arnulfo F. Go na maipasa ng panukala upang ang edukasyon ay lalong mapapasakamay ng lahat ng taga Sultan Kudarat at iba pang nagmimithing makapagpapatuloy ng pag-aaral. Ang lahat ng SKPSC Campus sa Lutayan, Bagumbayan, Senator Ninoy Aquino, Kalamansig at iba pa ay dumalo upang masaksihan ang panibagong hamon sa kolehiyo. “Ang edukasyon ng tao ay sagot sa anumang krisis sa Mindanao, ay tao edukado ay siyang magbubuklod sa ating lahat Kristiyano man o Muslim o Lumad” ang pauli-ulit na binabanggit ni Cong. Mangudadatu kaya anumang hakbangin upang maiangat ang “education system” sa probinsya ay walaang pasubali ang kanyang suporta. Sa panig ni Dr. Binag “ at last I’m confident that I’m passing the helm of presidency to most qualified and credible person of education. As I retire from service, it’ll be fulfilling to see that we are moving towards a common goal: EDUCATION FOR ALL”. (pbanat news desk/rey merisco) *888888888888

1 comment:

bugi said...

Sa WAKAS! Binag will be out. he was there since 1995 and I am sick of it!