Tuesday, November 18, 2008

periodicobanat (nobyembre 19, 2008)

SARIWA- Makita dinhi ang usa ka asawa ug anak sa usa ka mananagat sa Barangay Tuyan, Malapatan, Sarangani Province nga mapasigarbuhong gipakita ang SARIWA ug PRESKO nga isdang Pandawan nga mapalit sa tag-P50 matag kilo. (kuha ni gandhi kinjiyo/sarpio/pbanat caption) *888888888 Cong. Pax, dismayado sa media! Masama at dismayado si Sultan Kudarat Representative, Datu Pax Mangudadatu sa mga miyembro ng media. Sa isang press conference sa King’s Hall sa loob ng Isulan Provincial Capitol, tahasang sinabi ni congressman Mangudadatu na masama ang kanyang loob sa iilang mga miyembro ng media na nagpalabas ng isang istorya ukol sa nangyaring kagulohan sa lunsod ng Kalamansig, kamakailan lamang. Ayun sa balitang nakalap ng Periodico-Banat, isang istorya ang nagsasabing ayaw ni Congressman Pax Mangudadatu na pumasok ang mga sundalo sa Kalamansig. ‘Hindi niyo nga ako na-interview..Yun ang isinulat ninyo. Ginawa ninyo akong masama, sana bago kayo magsulat, interview niyo muna ako kung totoo ba yan o hindi dahil napapasama ako,’malaman na eksplinasyon ng kongresista. Sinabi pa ng ama ni Gobernador Teng Mangudadatu na wala siyang sinabi na kailangang alisin ang mga sundalo sa Kalamansig. Gusto lamang nito na kung maglalagay man ng mga sundalo at CAFGU’s hindi lamang iilan at kokonti dahil hindi rin magiging epektibo. Ang kailangan ay isang batalyon upang mabantayan ng maayos at mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan ng Barangay Sangay at Paril sa Kalamansig na naging sentro ng gulo dahil sa usapin sa lupa. Gusto lamang ni kongresista Mangudadatu na maayos ang gulo sa Sangay at Paril sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga lider at lokal na opisyales ng nasabing bayan dahil nga land conflict ang tinuturung dahilan ng gulo. Habang sinusulat ang balitang ito, inamin rin ni kongresista Mangudadatu na patuloy pa rin ang pagbibigay ng suporta ng kanyang opisina at ng lalawigan. (pbanat news desk/john caniban/jong gorgonio) *888888888 HABANG NASA TINDAHAN NG LIVE IN PARTNER OPISYAL NG PNP PINAGBABARIL HANGGANG MAMATAY! Brgy. EJC Montilla, Tacurong City- - “Dead on arrival” na nang isugod sa bahay pagamutan ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos itong abangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin. Dalawang bala ng kalibre kwarenta’y singko ang bumaon sa katawan ni Cirilo Terado, may asawa at residente ng Montiville Homes, Brgy. EJC Montilla sa syudad ng Tacurong. Base sa ulat na inilabas ng pulisya, bandang alas sais kinse ng hapon kahapon, Nobyembre 17, 2008 habang nasa loob ng tindahan ng kanyang “live in partner” nang may pumarada na Honda XRM na motorsiklo na kulay asu mga sampung (10) metro ang layo mula sa nabanggit na tindahan. Dagdag pa, lumapit ang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ng makaialng beses. Sinaklolohang dalhin ng kanyang “live in partner” at isinakay sa isang DPWH na sasakyan upang isugod sa Quijano Clinic and Hospital subalit ideneklarang “dead-on-arrival” ng mga doktor. Hanggang sa kasalukuyan ay pinagtutulungan tinutugis ng grupo nina SPO2 Ramon Paladin at PO2 Rogelio Manzano ang tumatakas na salarin. Inalarma na rin ang lahat ng pwersa ng mga otoridad at ang masinsinang pangangalap ng imporamsyon na makapagtuturo ng salarin. Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat (4) na basyo ng Cal. 45 na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang. Ipinag-utos na rin ni Sultan Kudarat Provincial Director PSSupt. Benhur Mongao at ni Tacurong City P/Supt. Joel B. Limson ang malawakang “hot pursuit operation” at “intelligence build-up” para sa ikadarakip ng suspetsado. (pbanat news desk/rey merisco) *888888888 WANTED, PINOSASAN HABANG NASA LOOB NG OSPITAL SCPH, Koronadal City- - Sa wakas ay nahulog na sa kamay ng batas ang taong matagal may kinakaharap na kasong “frustrated homicide”. Positibong itinuro ng mga impormante na si Christopher de Asino nga ang kanilang namataan bandang alas tres ng hapon kahapon, Nobyembre 17 ng taong kasalukuyan na nasa loob ng South Cotabato Provincial Hospital. Pagkatanggap ng impormasyon, kaagad na binuo ang grupo na umalalay kay PO2 Jesus Divina, Jr, Warrant PNOC ng Tantangan Police Station upang hulihin ang akusado. Si de Asino ay dinakip ng mga pulis sandig sa Warrant of Arrest Order na ibinaba ni Judge Roberto Ayco, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 25 na ibinatay sa Criminal Case # 467 na isinampa laban sa akusado. Biente kwatro mil (Php24,000.00) ang rekomendadong pyansa para sa kanyang temporaryong kalayaan. Sa kasalukuyan, pansamantalang nakakulong sa piitan ng Tantangan Police Station si de Asino at hinihintay ang rekomendsyon sa kanyang paglipat sa piitan ng probinsya ng South Cotabato. (pbanat news desk/rey merisco) *88888888888 LALAKI, BINARIL NG WALANG DAHILAN! Banga, South Cotabato - -Bagamat sugatan nagawa pa rin ng biktima na pumunta sa isang bahay pagamutan para mabigyan ng kaukulang lunas ang tinamong sugat. Sakto alas otso ng gabi, Nobyembre 17, 2008. habang umiinom ng kape ang isang nakilalang Romeo Resari Jr, nasa wastong taong gulang, residente ng barangay Cabuling nitong bayan,sa hindi malaman na dahilan may lumapit sa kanyang likuran at siya ay binaril ng hindi pa nakilalang salarin. Ang biktima ay tinamaan sa kanyang kanang tiyan at tumakbo siya sa Juanaria Memorial Hospital.Sa ngayon ay nasa tanggapan na ng Banga PNP ang nasabing insidente para sa isang malalimang imbestigasyon dahil hindi pa nila tukoy ang suspek. (pbanat news desk/gerald agujitas) *888888888
25th IB mibiya na sa Maitum! Nanghipos, namutos ug namitbit sa ilang mga gamit ug gisakay sa ilang mga 6x6 Military trucks ang mga sakop ug miyembro sa 25th Infantry Battalion (IB) sa Philippine Army human kini nakadawat ug usa ka kamandoan nga mobiya ug manamilit na sa lungsod sa Maitum, Sarangani Province niadtong milabay nga adlaw. Sa report nga nakuha sa Periodico-Banat, usa ka orden ang gipakanaug sa taas nga headquarters sa Eastern Mindanao Command nga nagmando ngadto sa 25th IB nga mobiya sa Maitum ug mobalhin sa lalawigan sa Compostela Valley Province. Sa usa ka pamahayag ni Sarangani Governor, Miguel Rene Dominguez gikumpirma niini nga ang duha ka bulan nga pag-pondo sa 25th IB sa Maitum, usa lamang ka temporaryong pamaagi sa kagamhanan aron maprotektahan ug masiguro ang kaluwasan sa mga residente gikan sa mga sakop sa Lawless MILF Groups (LMG) nga padayong nanghasi sa MAKIMA Area. Matod ni Dominguez, ang pagbalhin sa mga sakop sa 25th IB sa Compostela Valley gikinahanglan gyud ug maayo sanglit kalit lamang nga mikusog ang aktibidades sa mga sakop sa New Peoples’ Army (NPA) diin daghang mga balita na ang migawas sa sunod-sunod nga mga engkwentro ug pagkakalas ug mga kinabuhi sugod karong bulana lamang sa maong probinsya. Si Dominguez nagtug-an pa nga dako gyud kaayo ang nahimo sa 25th IB sa pagmentinar sa hapsay ug kalinaw sa Maitum ug dili lamang ang aksyon-militar ang gitutokan sa hugpong sa mga sundalo kundi lakip na usab ang pagpakusog sa ilang mga proyekto alang sa mga sibilyan. Pipila sa mga nahimo sa 25th IB mao ang pagpanghatag ug mga libro ngadto sa mga estudyante sa Maitum, paghimo ug mga dental ug medical missions ug uban pa. Bisan ang mga lokal nga residente sa Maitum dako usab ang pasalamat sa paghidangat kaniadto sa 25th IB sa ilang dapit. Ubos sa liderato ni Major Rolando Rodil ang maong batalyon. (pbanat news desk/jong gorgonio) *8888888 Cong. Pax aminado nakatanggap ng P5 milyones sa fertilizer fund Inamin ngayon ni Sultan Kudarat, First District Representative, Honorable Datu Pax Mangudadatu na nakatanggap nga ang kanyang opisina ng P5 milyones na pondo galing sa fertilizer fund noong 2004. Ayun sa kongresista, hindi niya tinatago ang pagtanggap ng Sultan Kudarat ng nasabing pondo subalit sinabi naman nito na hindi pera ang kanilang natanggap kundi dalawang bagong mga farm tractors. Sabi pa ni Mangudadatu na noong April 2004 dumating ang dalawang bagong farm tractors na sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng lalawigan. Si Mangudadatu, isang tanyag na ka-alyado ni Pangulong Gloria Arroyo, ay nagsabi pa na marami ang nagawang kabutihan ng dalawang farm tractors sa kanyang distrito lalo na sa agrikultura kung saan ang Sultan Kudarat ay nangunguna sa produksyon ng Palm Oil sa rehiyon 12. (pbanat news desk/jong gorgonio) *88888888 Region 12, pinakamahirap na trabaho ni General Cimatu? Sinabi ngayon ng bagong talagang PNP-12 Regional Director na si PCSUPT Fidel Cimatu na posibleng ang rehiyon 12 ang kanyang magiging pinakamahirap na assignment o trabaho sa kanyang mahabang taon na serbisyo sa pulisya. Si Cimatu na siyang pumalit kay PCSUPT Felizardo Serapio Jr., ay naghahangad na magkaroon ng magandang relasyon sa lahat ng hanay ng pulis sa rehiyon at pati na rin sa mga lokal na opisyales nito. Sa kanyang pagpalit kay General Serapio, nagsasaad lamang, ayun sa kanya na tinatanggap niyang hamon ang maging pinuno ng pulisya ng rehiyon 12. Hindi rin matawaran ang kahusayan ni Serapio bilang PNP-12 Director noon lalo na ang kanyang relasyon as lokal na media at sa komunidad. Maraming mga pagbabago ang naisagawa at mismong si Sultan Kudarat 1st District Representative, Datu Pax Mangudadatu ay umaasa na malampasan o di kaya mapantayan man lamang ni General Cimatu ang mga nagawa ni General Serapio. Si Serapio ay nakadestino sa kasalukuyan sa Cagayan de Oro City. Sa pagdating ni General Cimatu, haharapin nito ang samu’t-saring problema na sinusuong ngayon ng PNP-12. Sa kanyang mensahe, mariing sinabi nito na kanyang pag-iigtingin ang pagbabantay sa kanilang sariling hanay at ang pagbibigay ng dagdag puwersa sa mga kulungan sa rehiyon. Ang Rehiyon 12 ay tanyag rin na isa sa mga paboritong puntahan ng mga kalaban ng batas lalo na ang mga terorista. Ang rehiyon 12 rin ay bantog sa pagiging ‘bomb-prone’ sa lumipas na tatlong taon na medyo marami na ring mga bomba ang sumabog at natagpuan. Mataas rin ang kaso ng carnapping, theft, crime against property, extra judicial-killings sa rehiyon ayon na rin mismo sa report ng PNP. Ganunpaman, si Cimatu ay nangangakong tutuparin niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya. (pbanat news desk/jong gorgonio) *88888888 Mayor Acharon naglantaw ug maayong relasyon sa bag-ong PNP-12 Chief Gisulti karon ni Gensan City Mayor, Pedro Acharon Jr., nga dako gyud ang iyang panglantaw nga makabaton ug maayong relasyon sa bag-ong lingkod nga PNP-12 Regional Director nga si PCSUPT Fidel Cimatu. Sa usa ka pamahayag naglaum si Mayor Acharon nga pinaagi kang General Cimatu, mas modaghan pa ang mga police visibility units sa syudad ug mas molig-on pa ang pagsumpo sa krimen sa dakbayan. Ang alkalde nga mitambong sa tunr-over of command niadtong adlaw nga Sabado malipayon usab nga gidawat sa Gensan si General Cimatu. Ilado si Mayor Acharon nga todo mohatag sa iyang suporta ngadto sa PNP ilabi na sa General Santos City Police Office sama sa paghatag ug dugang nga sakyanan mga gamit sa komyunikasyon ug uban pa. (pbanat news desk/jong gorgonio) *8888888888

No comments: