‘TIMBOG’---Matagumpay na nakulimbat ng mga miyembro ng Gensan PNP sa pamamahala ni City Director, PSSUPT, Atty. Cedrick Train ang grupo ng Mayangkang Saguille Kidnap For Ransom Group na sinasabing isa sa pinakamalaking sindikato sa rehiyon 12. (kuha ni vert castro/pbanat caption)
*8888888
KIDNAP FOR RANSOM GROUP TIMBOG NG GENSAN PNP
GENERAL SANTOS CITY---Sa pina-igting na kampanya ng lokal na kapulisan ng siyudad sa pamamagitan ng Investigation Detection Management Section (IDMS) at General Santos City Speacial Weapons and Tactics (SWAT) matagumpay na natimbog ang kinokonsiderang isa sa pinakamalaking grupo ng Kidnap For Ransom sa rehiyon 12.
Sa ulat na nakuha ng Periodico-Banat, nakorner ng mga pinagsanib na puwersa ng IDMS at GSC-SWAT sa pamamagitan ng isang checkpoint sa barangay Labangal ang isang kulay abo na Mitsubishi L-300 van na may plakang MBH-138 noong nakaraang araw na minamaneho ng isang Jomar Guimat alyas ‘Mar.’ 24 anyos, at residente ng Siguel, barangay Bawing, Gensan. Nakuha sa kanya ang isang .45 kalibre na pistol na puno ng mga bala. Kasama rin ni Guimat na nahuli sina Mohalidin Baguilan, 28 anyos, residente ng Purok Maguindanao, Lumakil, Polomolok, South Cotabato at isang Teng Sipe, alyas Teng, 39 anyos at naninirahan naman sa Palican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Habang hinuhuli ang mga suspek, isa pang kasabwat na nakasakay sa motorsiklo ang nagpaharurot na humantong sa habulan ngunit na-korner ito sa Purok San Vicente, barangay Labangal.
Ang pagkahuli ng nakamotrosiklong kasabwat ay humantong din sa pagkahuli ng iba pang mga kasamahan ng mga suspek na sakay ng van na nakilala naming sina Abdullah Salidatu, alyas Sammy, Samir Abdullah, Samad, Kindat LTO alyas Kamad Dimalen, 47 anyos, may asawa at isang negosyante ng kahoy sa barangay Datu Piang, Maguindanao. Kasama rin sa natimbog si Musib Indal alyas Musib at Indal Datu Mama, 43 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Bo. Bral, Talayan Maguindanao. Nahuli rin si Randy Zamura, alyas Ustadz Jack at Zamura Randy ARSAUF, isang guro ng Arabic na naninirahan naman sa Libutan, Mamasapano, Maguindanao. Samantala, si Abosama Gumbay, alyas Tong at Sultan Tong Gumbay at Datu Tungal Sultan, 41 anyos, may asawa at isa ring negosyante ng kahoy na naninirahan sa Cotabato City. Si Gumbay ang tinuturong pangatlong lider ng grupo.
Nakuha mula sa kanila ang 2 fragmentation grenade, labing-isang rounds ng .45 na bala, one hundred thirty rounds ng bala ng M16 na nakapaloob sa magazine. Limang plastic magazine ng M16, isang mahabang magazine ng M16, 2 bakal na magazine ng M16, isang Smith and Wesson na .357 revolver, anim nab ala ng .357 revolver, isang improvised 12 gauge home-made pistol at isang itim na bandolier.
Samantala, inamin naman ng General Santos City Police Office (GSCPO) sa pamamagitan ni City PNP Director, PSSUPT, Atty. Cedrick Train na ang mga suspek na nahuli ay mga miyembro ng Mayangkang Saguille Kidnap For Ransom Group na balitang notoryus sa kidnapping sa rehiyon. Ang grupo ay sangkot din sa iba’t-ibang extortion activities sa rehiyon.
Ang grupo ay nakumpirma ring sankot sa pagdukot sa negosyanteng si Nelson Tan kung saan humingi ng P4 milyones na ransom. Pinatunayan din ni Sammy Abdullah at Abusama Gumbay na totoong sila ang may gawa sa nasabing pangingidnap. Ang grupo ay responsable rin sa pagdukot sa kapatid ng negosyanteng si Manuel Tan noong 2008 sa Malagapas, Cotabato City.
Noong Nobyembre 14, 2010, sinasabing si Maria Gracia Paras Elueterio, isang negosyante sa Sto. Nino, South Cotabato ay naging biktima rin ng Mayangkang Saguille Group kung saan ang asawa nito ay natamaan at isang trabahante ang namatay sa pagdukot sa biktima. Nalaman din na isang Ustadz Norham Gama dang tinuturong isa sa pinakamataas na lider ng grupo ang namuno sa pagdukot kay Eleuterio. Napag-alaman din na nagbayad ng P1.2 milyones na ransom ang pamilya ng biktima at makaraan lamang ang limang araw, pinakawalan ito sa isang kuweba sa Daguma Range.
Inaasahan ngayong araw ay pormal na sasampahan ng mga kaso sa korte ang mga nahuling suspek.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Gensan City Mayor, Darlene Custodio sa mga kawani ng Gensan PNP dahil sa mabilis at listong aksyon na ginagawa ng mga ito para sa mga taga-Gensan. (pbanat news desk/vert castro)
*8888888
EX-KAPITAN PINAKA-UNANG BIKTIMA SA PAGPAMUSIL SA 2011
GENERAL SANTOS CITY---Matawag nga suwerte gyud ang usa ka kanhing kapitan sa Tinoto, Maasim, Sarangani Province human kini nga kalit lamang nga gipamusil sa duha ka wala pa mailhing mga suspek dinhi sa siyudad—diin nahitala nga pinaka-unang pagpamusil sa Gensan karong tuig 2011.
Sa report nga nakuha sa Periodico-Banat, nail ang mga biktima nga mao sila Abdul Wahani Sr., ex-kapitan sa Tinoto, Maasim, Hadji Bai Fatima, asawa ni Wahani ug Nora Wahan Ibrahim. Dugang pa, si kapitan Wahani naigo sa iyang liog samtang ang asawa niini nasamdan sa bukton ug ang kuyog nga si Nora sa paa nga bahin.
Sa insiyal nga imbestigasyon sa kapulisna, gikan sa merkado publiko sa Gensan ang mga biktima sakay sa ilang sakyanan apan paghidangat sa may P. Acharon Boulevard, kalit na lamang nga gibanhigan sa duha ka mga tawo sakay sa usa ka motorsiklo nga walay plaka.
Narekober gilayon sa kapulisan ang duha ka mga empty shells sa .45 kalibre nga pistol. Hangtod karon padayon pa gihapon nga gina-imbestigahan ang maong kaso sanglit matod sa kabanay sa mga biktima, wala silay nakit-an nga motibo nganong himuon ang maong krimen. (pbanat news desk/vert castro)
*88888888
GENERAL SANTOS CITY - Wala nay gipili pa ang mga bukas kotse gang dinhi sa dakbayan tungod bisan abogado, ug piskal ang ilang gibiktima.
Bag-uhay lamang mipatala sa Pendatun Police Station ang uyuan ni 8-time world division champion ug Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao nga si Chief Prosecutor Edilberto Jamora, nga uyuan ni Jinkee Pacquiao.
Matud pa sa report giparada lang ni Fiscal Jamora ang iyang bag-ong Ford Everest sa Bayabas Street, Dadiangas North tungod adunay giadtuan, apan sa paghibalik niini, nawagtang na ang baterya sa iyang sakyanan. Gawas niini unang gireport usab sa kapulisan nga nabiktima sa bukas kotse gang ang sakyanan sa usa ka abogado ug ubay ubayng negosyante nga gikuhaan usab sa ilang mga mahalong butang ug cash sulod sa sakyanan. Niadtong miaging bulan nabiktima usab sa bukas kotse gang ang sakyanan sa inahan ni Jinkee Pacquiao human giparking sa Beatiles Street ning dakbayan kong asa mokabat P100,000 ang nawagtang. Gibutyag sa kapulisan nga kasagaran sa mga suspetsado mga menor de edad apan gituuhan nga adunay mga hamtong nga gasugo kanila ug karon maoy gipangita sa kapulisan.
*8888888
GENERAL SANTOS CITY - Patay sa pagpanigbas ang usa ka mag-uuma ug samdan ang laing usa tungod lang sa komedya.
Matud ni PO1 Joan Bonifacio sa Kiamba Police Station ang biktima nailhang si Felix Manlunas hamtong ang pangidaron, usa ka mag-uuma nga nakaangkon og daghang samad sa lawas ug naputol ang dakong ugat sa liog nga bahin sa biktima.
Samdan usab sa pagpanigbas ang usa ka Juanito Panding hamtong ang pangidaron nga nakaangkon og lima ka samad sa lawas ug nagpabilin sa ospital.
Matud pa nasuko ang suspek nga nailhang si Noy Katinuan tungod sa komedya sa duha samtang sila nag-inom ug didto nahitabo ang pagnigbas.
Human sa insidente paspas miikyas ang suspek ug karon gipangita sa kapulisan.
*888888888
GENERAL SANTOS CITY---Nang dahil lamang sa usaping pato, isang binata ang sinaksak ng isang suspek sa Purok 5, Lanton, barangay Apopong, Gensan nitong nakaraang araw.
Sa ulat na nakuha ng Periodico-Banat, nakilala ang biktima na isang John Pobar Carino, 20 anyos, walang trabaho at naninirahan sa nasabing lugar. Samtanlang ang suspek ay nakilala ring si alyas Jay-Jay at resident ng Purok 10, Lanton Apopong.
Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, napag-alaman na pinagbintangan umano ang suspek ng biktima na siyang nagnakaw ng pato na naging resulta sa kanilang mainit na pagtatalo na humantong sa pananaksak.
Matapos ang insidente, agad naming tumakas ang suspek at ang biktima ay mabilis na dinala sa pagamutan. Kasalukuyan na ngayong tinutugis ng Makar PNP ang nasabing suspek. (pbanat news desk/vert castro)
*88888
Ni: Remegio Rey
Ina ng Punong Kahoy
LUNGSOD NG HENERAL SANTOS- Akalain ba naman, sa napakadaming punong kahoy sa gubat sa buong mundo, sa Pilipinas o sa Mindanao ay may mga punong kailangan pala na pagkukunan ng mga mahahalagang buto (seed) upang ito’y pagyamanin sa patuloy na pagtatanim ng punong kahoy sa mga kabukiran ng Tampakan at karatig lugar kung saan nakatalaga ang proyekto ng minahan.
Ang (SMI) Sagittarius Mining Inc. ay may walong daang (800) napag-alaman ng mga Inang- Punong kahoy “mother trees”, kung saan kinukuha ang mabubuting buto ng punong kahoy upang gawing semilya sa pagpaparami nito. Nakilala rin ang “mother trees” bilang Forestry Sector Administrative Order No. 09
Sa pamamagitan ng nabanggit na Administrative Order No. 09, nagagawang paramihin at paunlarin ang kagubatan sa pamamaraan ng pagbibigay ng magandang buto ng punong- kahoy. Mapapadali at mapupunan ang suplay ng semilya ng punong kahoy na puwede rin magamit sa ibat-ibang pagtatanim.
Ilang taon rin ang ginugol ng pamahalaan, oras at pera ng taong bayan ang nakalaan upang mapa-unlad ang kalikasan, ngunit sila’y nabigo sa kanilang nakagisnang pamamaraan, ang pagtatanim na kahit ano-ano na lang.
Ayon kay Butch Sebua, SMI Biodiversity Management Team Superintendent, ang pagtatanim ng mga punongkahoy na galing ang buto mula sa “mother trees” ay importante at mainam na paraan sa pagtatanim ng mga matitibay na punongkahoy sa kagubatan.
Dagdag pa nito na ang tagumpay sa pagpapaunlad ng programang pangkalikasan ay nasasang-ayon ito sa kalidad ng punongkahoy na itatanim, kaya ang SMI ay nakiisa sa Visayas State University (VSU) and University of Queensland (UQ) upang pagtutulungan nito ang paggawa ng programa sa pag kilala pa ng ibang mother trees.
Ang proseso ng pagkilala ng mother trees ay na-aayon rin sa impormasyon mula sa Municipal Environment Offices (MENROs), Community Environment Offices (CENROs), at ang kinaroroonan ng mga nagtatanim ng mga semilya sa Mindanao , upang matukoy ang iba pang mother trees, sabi ni Sebua
Hindi rin madali ang pagsasagawa ng pananaliksing ng mother trees. Kailangan itong tingnan mabuti kung karapat-dapat ba ito. Tingnan rin ang taas, ang laki at grano nito, bago ito’y tatakan at ilista bilang isang Inang kahoy (mother tree). Kung dumarami ang nakilalang mother trees, ito’y nagpapahiwatig na maayos ang mga pinagkukunan ng semilya para sa programang pagpapaunlad ng pagtatanim ng mga punongkahoy.
Ang SMI ay patuloy sa kanilang programang pagtatanim ng mga punong kahoy sa pamamagitan nga pakakaisa ng mga mamamayan. Sila ay ginawaran ng Best Mining Forest Award in 2006, 2008,2009 at 2010 ng pamahalaan.
Nagawa ba ito ng ibang mga nasa gobyerno o ng mga pribadong tao?
*88888888
No comments:
Post a Comment